Kinumpirma ni Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa na may mga bagong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa limang lugar sa lalawigan ng Batangas.
Kabilang sa nakitaan ng kaso ng ASF ay sa mga Munisipalidad ng Lobo, Lian, Rosario at Calatagan at sa lungsod ng Lipa.
Batay sa rekord ng Bureau of Animal Industry (BAI), nasa 150 mga barangay ang mayroon pa ring kaso ng ASF.
Mula ito sa 45 mga munisipalidad na nasa 18 lalawigan sa 11 rehiyon sa bansa.
Ang nabanggit na mga lugar aniya ang prayoridad sa gagawing roll out ng ASF vaccine na pangungunahan ng gobyerno ngayong third quarter ng kasalukuyang taon. | ulat ni Rey Ferrer