Dagdag na Kadiwa ng Pangulo outlets, bubuksan sa Visayas at Mindanao sa Setyembre — DA Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy na ang pagpapalawak ng Department of Agriculture (DA) ng KADIWA ng Pangulo program sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., hindi bababa sa 60 KADIWA ng Pangulo sites ang bubuksan sa susunod na buwan para mag-alok ng mas murang agri products gaya ng ₱29 kada kilong bigas.

“We expect to have at least 60 KADIWA ng Pangulo stores across the country next month to provide more Filipinos with greater access to affordably-priced agricultural products, including the ₱29 per kilo rice intended for vulnerable sectors,” ani Agriculture Sec. Tiu-Laurel.

Bahagi rin ito ng hakbang upang matiyak na ang bawat magsasakang Pilipino ay may direktang pagkakataon na maibenta ang kanilang mga produkto sa mga mamimili.

Sa ilalim ng KADIWA ng Pangulo program, tina-target ng DA na makapagtayo ng isang KADIWA store sa kada 1,500 munisipalidad.

Sa ngayon, nakikipag-partner na aniya ang DA sa pribadong sektor para maabot ang target na ito.

Nakikipag-usap na rin ang kagawaran sa ilang food manufacturers para makapagsuplay sa KADIWA ng iba pang bilihin gaya ng sardinas, at mantika.

“We’re also talking to manufacturers of other basic goods like condiments, sugar and canned goods to help ease the financial challenges of Filipinos and actualize President Marcos’ vision to provide every Filipino family with affordably-priced food on their table,” dagdag pa ni Sec. Tiu-Laurel. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us