Pinapurihan ni Navotas Representative Toby Tiangco ang hakbang ng pamahalaan na madagdagan ang medical allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Aniya, patunay ito na seryoso ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagbibigay ng karampatang benepisyo sa ating mga guro.
Paalala ng mambabatas na isa ang mga guro sa sandigan ng bansa.
Aniya, ang pangangalaga sa ating public school system ay katumbas ng pagbibigay halaga sa kinabukasan ng bansa.
“With President Bongbong’s firm commitment to education reforms, I believe we’re building a stronger future for the Philippines,” sabi ni Tiangco.
Sa ilalim ng Executive Order 64 ang mga kawani ng pamahalaan, kasama ang public school teachers ay magkakaroon ng hanggang ₱7,000 na annual medical allowance.
Nasa 900,000 public school teachers sa buong bansa ang makikinabang dito.
“The administration is putting money where its mouth is. Ilang buwan pa lang matapos ang SONA ng Pangulo, ito na at nararamdaman na ng ating mga guro ang benepisyong ipinangako sa kanila,” saad ni Tiangco
Kinilala din ng Navotas solon ang whole-of-government approach sa pagpapalakas ng education system kasunod ng pagbuo ng Cabinet Cluster for Education.
“The President recently approved the creation of a Cabinet Cluster for Education which I believe is a much-needed change in policy-and program direction if we wish to make significant headway in transforming education in the country,” dagdag niya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes