Dam protocols sa gitna ng banta ng La Niña, pinatututukan ni DILG Sec. Abalos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasa ng isang Interagency Conference ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kasama ang iba’t ibang ahensya at mga LGU para talakayin ang dam protocols.

Ito ay sa gitna ng banta ng La Niña na inaasahang magdadala ng mas maraming ulan sa bansa.

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, napapanahon nang repasuhin ang mga polisiya sa pagpapakawala ng tubig ng mga dam nang masiguro na hindi ito magpapalala ng baha lalo na sa mga flood prone areas sa Metro Manila, CAR, Regions 1-3, at CALABARZON.

Isa sa mga ipinunto ng kalihim ang pagpapaigting sa komunikasyon sa pagitan ng dam operators sa mga LGU tuwing may masamang panahon.

Aniya, kritikal ang koordinasyon upang hindi mauwi sa trahedya ang anumang pagpapakawala sa dam.

Kasama pa sa nais palawakin ng kalihim ang mga ipinalalabas na public warning tuwing may dam release at ang LISTO procotol.

Kasunod nito, tiniyak ng kalihim na isa lang ito sa mga hakbang ng pamahalaan bilang paghahanda sa La Niña.

Nakatutok na rin aniya ang pamahalaan sa flood management at liquid at solid waste management.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us