Mariing kinu-kondena ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pinakahuling iligal at mapanganib na aktibidad ng China laban sa mga tauhan ng Philippine Air Force (PAF), nitong Huwebes (Aug 8).
Pahayag ito ng Malacañang, sa sinadyang pagpapakawala ng flare ng dalawang aircraft ng China sa dadaanan ng aircraft ng Philippine Air Force, na nagsadagawa noon ng routine maritime patrol sa Bajo de Masinloc.
Ayon sa Palasyo, nakatindig si Pangulong Marcos kasama ng mga matatapang na tauhan ng AFP.
“The actions of the People’s Liberation Army – Air Force (PLAAF) aircraft were unjustified, illegal and reckless, especially as the PAF aircraft was undertaking a routine maritime security operation in Philippine sovereign airspace.” —PCO.
Ayon sa Palasyo, sinisimulan pa lang pakalmahin ang sitwasyon sa karagatan, ngunit ngayon pa lamang, pinangangambahan na rin ang posibleng instability maging sa airspace.
Sa kabila nito, ipinunto ng Malacañang ang commitment ng Pilipinas sa paggamit ng diplomasya at mapayapang paraan sa pag-resolba sa mga hindi pagkakaunawaan.
“The Philippines will always remain committed to proper diplomacy and peaceful means of resolving disputes. However, we strongly urge China to demonstrate that it is fully capable of responsible action, both in the seas and in the skies.” —PCO.| ulat ni Racquel Bayan