DAR, gagamit ng RTK Application para mapabilis ang proseso ng pag survey sa ilalim ng Project SPLIT

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumailalim sa tatlong araw na orientation at on-site training ang mga kawani ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Sorsogon tungkol sa Real-Time Kinematic (RTK) Application.

Ito ay isang land surveying tool gamit ang dalawang Global Navigation Satellite System (GNSS) antenna sa real-time na mas mahusay at tama.

Mapapabilis nito ang paghati-hati at distribusyon ng natitirang lupain sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project sa mga natukoy na Agrarian Reform Beneficiaries.

Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer Nida Santiago, may 500 ektarya ng lupa ang inaasahang ma-survey sa pagtatapos ng Agosto 2024 at maipamahagi sa Agrarian Reform Beneficiaries.

Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng survey bilang isang milestone para sa epektibong pagpapatupad ng Project SPLIT sa lalawigan.

Kasama sa training ang mga kawani mula sa Land Tenure Improvement Division, Provincial Project Management Office (PPMO) ng Project SPLIT, at 13 Municipal Agrarian Reform Program Officers. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us