Nanindigan si dating congressman Edgar Erice na ipagpapatuloy niya ang kaso niya laban sa Commmission on Elections.
Ayon kay Erice, bagamat hindi pa niya nababasa ang reklamong isinampa laban sa kanya ng grupong Bayanihan na hindi niya aniya alam kung saan nagmula ay hindi siya magpapatinag dito.
Kahit anong mangyari aniya ay tuloy ang kaso nito laban sa Comelec at sa Miru System.
Paliwanag ng dating mambabatas, illegal umano ang transaksyon ng dalawang panig at delikado dahil magiging guinea pig o experimental lamang ang bansa sa darating na 2025 elections.
Matatandaang, inereklamo ng grupong Bayanihan si Erice sa law department ng Comelec dahil sa paglabag umano sa Sec. 261 Omnibus Election Code, na nagbabawal na magpakalat ng mali at nakakaalarmang mga impormasyon na naglalayong guluhin ang election process o lituhin ang mga botante. | ulat ni Lorenz Tanjoco