Dating Mayor Alice Guo, di dumaan sa mga airport na hawak ng Bureau of Immigration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinanggi ng Bureau of Immigration na may kasabwat sa mga tauhan nila matapos makalabas ng Pilipinas si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, iligal ang pag-alis sa Pilipinas ni Guo at walang kinalaman ang kanyang mga tauhan.

Sabi niya, may mga tauhan ang Bureau of Immigration sa lahat ng regular ports of entry and exit gaya ng international airports and seaports, ngunit ang mga informal exit points ay pinangangasiwaan at sinusubaybayan ng ibang aviation o maritime agencies.

Hanggang ngayon wala pa rin siyang natatanggap na turnover reports mula sa ibang ahensiya na nagpapatakbo ng maritime borders kaugnay sa paglabas ni Guo ng Pilipinas.

Ang pagkansela na lamang daw sa Philippine travel documents ni Guo ang tanging pag-asa upang madaling mahabol si Guo at mabilis ang pagpapauwi sa kanya sa Pilipinas.

Sa intelligence reports na nakalap ni Tansingco sa kanyang counterparts sa ibang bansa, ginamit ni Guo ang tunay na pangalan na Guo Huaping nang magbiyahe sa Malaysia noong July patungo sa Singapore kasama ang mga kapatid na sina Shiela Leal Guo at Wesley Leal Guo at nag-travel na rin sa Indonesia.

Niliwanag ni Tansingco na bagaman nasa Immigration lookout bulletin order si Guo ang paglabas niya ng Pilipinas ay hindi nakarekord sa system at centralized database ng Bureau. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us