Dating Presidential Spokesperson Harry Roque at 11 iba pa, inilagay sa Immigration Lookout Bulletin dahil sa imbestigasyon sa POGO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos ng Department of Justice (DOJ) sa Bureau of Immigration (BI) na ilagay sa lookout bulletin ang ilang indibidwal na iniuugnay sa operasyon ng iligal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.

Sa sulat ng DOJ para kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kabilang si dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa 12 indibidwal na ipinalalagay sa lookout bulletin.

Ito ay dahil sa kanilang kaugnayan sa iligal na POGO at sa mga opisyal ng Lucky South 99, at Whirlwind Corporation na sinalakay sa Porac, Pampanga.

Batay sa memorandum mula sa Department of Justice inilagay sa ILBO sina:

1.Katherine Cassandra Li Ong

2.Herminio “Harry” Lopez Roque Jr.

3.Xiang Tan

4.Jing Gu

5.Stephanie Mascareñas

6.Michael Bryce B. Mascareñas

7.Zhang Jie

8.Duanren Wu

9.Raymund Calleon Co

10.Randel Calleon G. Co

11.Dennis L. Cunanan

12.Han Gao

Kasunod nito, posibleng maglabas din ng Precautionary Hold Departure Order laban sa mga naturang indibidwal.

Layon nitong mapigilan ang posibleng pagtakas ng mga akusado at paglabas ng bansa.

Sa pamamagitan ng inilabas na lookout bulletin, babantayan ang kanilang mga galaw at aalertuhin ang mga awtoridad sakaling tangkain nilang lumabas ng Pilipinas.

Tinawag naman ni Roque na isang political harassment ang paglalagay sa kaniya sa Immigration Lookout Bulletin Order, dahil wala umanong matibay na ebidensiya na nag-uugnay sa kaniya sa mga iligal na gawain.

Layon lang daw umano nitong patahimikin siya bilang kritiko ng kasalukuyang administrasyon.

Ayon pa kay Roque, wala siyang balak umalis ng Pilipinas at handa siyang harapin ang lahat ng alegasyon na may kaugnayan sa POGO. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us