Ipina-contempt ng Quad Comm si dating Sec. Harry Roque.
Nag-ugat ito sa mosyon ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo dahil aniya sa pambabastos ni Roque sa komite dahil sa nagsinungaling aniya ito sa kaniyang pagliban sa nakaraang pagdinig ng Quad Comm noong August 16.
Sa liham ni Roque, sinabi niya na mayroon siyang hearing sa Manila RTC. Gayunman, ayon sa certification ng naturang RTC, August 15 ang pagdinig ni Roque at wala siyang hearing noong August 16.
Nagpaliwanag naman si Roque na honest mistake ang kaniyang hindi pagdalo noong nakaraang pagdinig ng QuadComm sa Pampanga.
Aniya, namali siya ng petsa. Ang akala niya kasi ay Huwebes ang Quad Comm hearing.
Napagtanto na lang aniya niya na mali ang petsa noong mismong araw ng hearing.
Gayunman, hirit ng ilang mambabatas dapat noong araw na iyon ay nag-abiso na siya sa committee chairs.
Sina Quad Comm Chair Bienvenido Abante at Senior Minority Leader Paul Daza naman unang umapela sa mga kasamahan na palipasin na muna ang pagkakamali ni Roque dahil sa mga nakaraang pagdinig naman ay dumalo ito.
Ngunit sa huli nanaig ang desisyon na ipa-contempt si Roque.
Mamamalagi siya sa Batasang Pambansa sa loob ng 24 oras. | ulat ni Kathleen Forbes