Defense Attaché ng Spain, pinarangalan ni Gen. Brawner

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ginawaran ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief General Romeo Brawner Jr. ng Chief of Staff AFP Commendation Medal and Ribbon si outgoing Spanish Defense Attaché to the Philippines Colonel Javier Martin Gil para sa kanyang kontribusyon sa pagsulong ng magandang ugnayang pandepensa ng Pilipinas at España.

Ito’y sa isinagawang Courtesy Call ni Col. Gil kasama ang incoming Spanish Defense Attaché na si Colonel Santiago Martin Sanz sa AFP Chief kahapon sa Camp Aguinaldo.

Dito’y pinasalamatan ni Gen. Brawner si Col. Gil sa kanyang mahusay na trabaho sa pagpapalawak ng kooperasyong pang-militar at bilateral defense engagements sa pagitan ng dalawang bansa.

Malugod namang tinanggap ni Gen. Brawner ang kapalit ni Col. Gil. na si Col. Sanz, at sinabing inaasahan niya ang patuloy na kolaborasyong pandepensa ng dalawang bansa para sa pagsulong ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon. | ulat ni Leo Sarne

📸: PAO AFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us