Tumaas ang bilang ng mga residente ng Quezon City na tinamaan ng sakit na dengue.
Ayon kay QC Epidemiology and Surveillance Department Chief Dr. Rolly Cruz, tumaas din ng 10% ang kaso ng dengue sa lungsod.
Sa kabila nito, nanatili naman aniyang mababa ang dengue-related deaths.
Ayon naman kay QC Mayor Joy Belmonte, posibleng may kaugnayan sa nagdaang mga kalamidad ang pagtaas ng kaso ng dengue sa lungsod dahil sa tumagal aniya ng dalawang linggo bago tuluyang nahakot ang mga basurang iniwan ng bagyong Carina at habagat.
Dahil naman dito, pinaigting pa ng QC LGU ang mga hakbang kontra dengue.
Kabilang dito ang spraying kontra dengue, clean-up drive, at health forums sa mga barangay. | ulat ni Merry Ann Bastasa