Nagpasalamat si DENR Sec. Maria Antonia Yulo Loyzaga kay Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsasabatas ng Loss and Damage Fund Board Act.
Sa isang pahayag, sinabi ng kalihim na mahalag ang papel ng pagiging host ng Pilipinas sa Loss and Damage Board para mailatag ang mga kinakailangang resources para sa climate vulnerable developing countries.
Sa pagpapatibay ng batas na ito, ang Board ay mas may kakayahang legal na aniya para tuparin ang mandato nito.
Ayon pa sa kalihim, kumakatawan ang batas na ito sa commitment ng Pilipinas pagdating sa global climate action.
Kaugnay nito, pinaplantsa na aniya ng DENR ngayon ang Host Country Agreement, na magbibigay sa board ng mga mahahalagang pribilehiyo at kalayaan upang epektibong magampanan ang mga tungkulin nito. | ulat ni Merry Ann Bastasa