DepEd, nagpaalala sa mga guro at kawani nito hinggil sa ‘No Collection Policy’ sa mga paaralan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinaalala ng Department of Education (DepEd) sa mga tauhan nito na bawal pa rin ang pangongolekta ng iba’t ibang bayarin sa mga paaralan.

Ito ang pahayag ni Education Secretary Sonny Angara makaraang ilabas nito ang DepEd Memorandum Circular no. 41 series of 2024 na nagbibigay diin sa pagpapa-iral ng “No Collection Policy.”

Sa ilalim ng naturang kautusan, bawal ang pagbebenta ng ticket at pangongolekta ng salapi sa mga mag-aaral mula sa mga classroom hanggang sa mga tanggapan ng paaralan.

Binigyang-diin pa ng kalihim na sakop din ng naturang kautusan ang mga pribadong paaralan hanggang sa sekondarya o Senior High School maging ito ma’y boluntaryo o hindi.

Subalit exempted naman dito ang membership fees sa Boy at Girl Scout of the Philippines, gayundin sa Philippine Red Cross, maging ang donasyon mula sa iba’t ibang komunidad o institusyon para naman sa mga barrio school.

Babala ng kagawaran, posibleng makulong ng isang buwan at patawan ng multa salig sa Republic Act 4206 ang sinumang lalabag sa naturang kautusan.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us