DepEd Sec. Angara, nakatakdang humarap sa Commission on Appointments, sa Aug. 7

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa si Surigao del Sur Representative Johnny Pimentel na magiging “smooth sailing” ang kumpirmasyon ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara sa pagharap nito sa Commission on Appointments (CA) sa Miyerkules, August 7.

“We expect Secretary Angara’s trouble-free confirmation,” ani Pimentel, CA Assistant Minority Leader.

Aniya, batid naman na kwalipikado si Angara sa posisyon kaya’t tiyak na magiging mabilis ang paglusot niya sa CA.

Inaasahan naman, ani Pimentel, na mausisa ang kalihim sa magiging roadmap upang mapa-angat ang test scores ng mga Pilipinong estudyante sa global assessments.

Halimbawa na lang nito ang report ng Programme for International Student Assessment (PISA) kung saan pangalawa sa pinakamababa ang Pilipinas pagdating sa creative thinking sa 64 na bansa.

Kasabay ni Angara ay muling haharap si Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac sa CA matapos ma-bypass noong May 23. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us