Deputy Speaker Villar, itinutulak ang paglalaan ng maternity kits sa mga buntis na kapos ang kita

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang panukalang batas ang inihain ni Deputy Speaker at Las Piñas Representative Camille Villar upang mapagbuti ang prenatal care sa bansa.

Sa kaniyang House Bill 10694, itinutulak ang pagkakaroon ng Maternity Kit for Pregnant Filipino Women program lalo na para sa mga Pilipinang nagdadalang tao at kapos ang kita.

Sa paraang ito ay inaasahan na mapapababa ang child mortality sa bansa

Lalamanin nito ang mga gamit gaya ng kumot, diaper, gauze, tuwalya, nappies, bedding, at iba pang child care products.

Kada dalawang taon naman ay babaguhin ang laman ng maternity kit.

Libre itong ipapamahagi sa mga expectant mothers na ibabatay sa listahan ng mga poor at near poor na buntis sa ilalim ng 4Ps.

Tinikoy ni Villar ang ulat ng United Nations Population Fund (UNFPA) na noong 2021,  2,478 na kababaihan sa Pilipinas ang nasasawi dahil sa panganganak at iba pang pregnancy-related complication panganganak.

“It is the objective of this bill to improve such condition by establishing a Maternity Kit for Pregnant Filipino Women program that will advance prenatal care for poor or near-poor Filipino women, thereby reducing child mortality and empowering women to perform their role in nation-building,” saad sa panukala. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us