Desisyon ng BSP na tapusin na ang kontrata sa supplier ng Nat’l ID card, iginagalang ng PSA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nirerespeto ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang desisyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tapusin ang kontrata nito sa kanilang supplier para sa produksyon ng National ID card.

Sa isang pahayag, sinabi ng PSA na tiwala ito sa pasya ng BSP at ngayon ay gumagawa na ng mga kinakailangang hakbang para sa patuloy na distribusyon ng National IDs.

Bukod dito, inihayag ng PSA na iba’t ibang format na ng National ID ang magagamit para sa mga rehistradong indibidwal, tulad ng ePhilID, at ang bagong inilunsad na Digital National ID na maaaring i-download sa https://national-id.gov.ph.

Kasunod nito, tiniyak ng PSA na patuloy nitong tututukan ang paghahatid ng maaasahan at ligtas na sistema ng National ID. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us