Hindi isinasara ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pintuan sa pagkakaron ng backdoor negotiation sa usapin ng West Philippine Sea.
Sa budget briefing ng Kamara, naitanong ni Baguio Rep. Mark Go kung ikinokonsidera na rin ba ngayon ng ahensya ang pagkakaroon ng backdoor negotiations sa iba pang claimant countries.
Tugon ni Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo, laging bukas ang linya ng komonikasyon ng Pilipinas sa lahat ng bansa at ating partner countries.
May pagkakataon kasi aniya na ang isang pamamaraan ng pakikipag-usap ay mas epektibo kaysa sa isa.
Hindi rin isinasantabi ng DFA ang pagkakaroon naman ng bilateral agreement kasama ang China sa isyu ng WPS.
Ito’y matapos magkaroon na ng provisional agreement ang Pilipinas at China patungkol naman sa RORE mission.
Ani Manalo, kung magiging bukas ang China at ang iba pang claimants sa naturang kasunduan ay hindi ito tatanggihan ng Pilipinas.| ulat ni Kathleen Forbes