DFA, may hinihintay na lang na kumpirmasyon mula sa NBI para tuluyang makansela ang pasaporte ni Alice Guo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa proseso na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng pagkansela sa pasaporte ni Alice Guo.

Ito ang kinumpirma ni DFA-OCA Passport Division Acting Director Von Ryan Pangwi sa pagdinig ng Quad Committee ng Kamara.

Aniya, sumulat sila sa Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Investigation (NBI) upang makumpirma kung ang biometrics ni Alice Guo sa passport data base ng DFA ay iisa sa biometrics na hawak ng NBI ni Guo Hua Ping.

Oras na makumpirma na iisa nga ito ay maaari na nilang kanselahin ang Philippine passport ni Guo.

Matatandaan na naglabas ng kautusan ang palasyo para kanselahin na ang pasaporte ni Guo kasama ang dalawang kapamilya gayundin ang pasaporte ni Cassandra Li Ong.

Pinapakansela ang pasaporte ni Guo dahil sa false application.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us