Nagsampa na ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa bansang China dahil sa illegal na aktibidad nito sa aerospace ng ating bansa sa Ayungin Shoal.
Ayon kay DFA Spokesperson Teresita Daza na ito ay sa kabila ng ginawang dangerous and proactive maneuvers People’s Liberation Army Air Force aircraft ng China sa ating Philippine Air Force sa Ayungin Shoal.
Dagdag pa ni Daza, na malinaw na sakop ng ating Philippine air space ang lugar na kung saan ginawa ng China ang illegal action ng kanilang air force
Samantala, muli namang siniguro ni Daza na sa kabila ng tensyon na ito ay patuloy ang pagpapaigting ng diplomasya sa pghahain ng diplomatic protest nito sa nasabing bansa. | ulat ni AJ Ignacio