DFA, nakikipag-ugnayan na sa DOJ para sa kanselasyon ng pasaporte ni suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Department of Justice (DOJ), at sa iba pang mga ahensya hinggil sa pagkansela sa pasaporte ni suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na napabalitang nakatakas na sa ating bansa.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, patuloy ang kanilang koordinasyon sa mga ahensyang may kinalaman sa pagkakatunton kay Guo.

Dagdag pa ni Manalo, na wala pang timeline kung kailan makakansela ang pasaporte ni Alice Guo ngunit inaasahan na kanilang mapabibilis upang maaresto na ang suspendidong alcalde, at mapanagutan ang kanyang mga pananagutan sa batas. | ulat ni Aj Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us