Sinisiguro ng Department of Human Settlements and Urban Development ang kanilang pro-active stance sa paghahatid ng emergency assistance sa panahon ng kalamidad.
Kahapon,pinulong ni DHSUD Undersecretary for Disaster Response Randy Escolango ang mga Regional Director at Officer in Charge-Regional Directors mula sa 16 na Regional Offices ng DHSUD .
Sa kanilang pulong ,titiyakin ng mga opisyal ang pagpapatupad ng Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP).
Ang nasabing programa ay idinisenyo upang magbigay ng cash aid sa mga pamilyang nasiraan ng bahay dahil sa natural o man- made calamities .
Bukod dito,pinaghahanda na rin ang mga Regional Office para sa LA NIN̈A Phenomenon upang matiyak ang napapanahong pagtugon. | ulat ni Rey Ferrer