Kinilala ni Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Tereso Panga ang naging kontribusyon ng ‘die and mold industry’ sa ekonomiya ng bansa gayundin sa employment.
Ayon kay Panga, nasa halos 300 rehistradong proyekto ang mayroon sa PEZA na may kinalaman sa ‘die and mold activity’.
Paliwanag ng opisyal na ang naturang mga proyekto ay nagkakahalaga ng P23.49 bilyon basse sa kanilang pinakahuling tala.
Nakapagtala rin aniya sila ng mahigit sa 35,000 na trabaho na nalikha ng nasabing industriya sa loob ng economic zones.
Giit ni Panga, ang ‘die and mold industry’ sa bansa ay ang “backbone” para sa mga small and medium enterprises at isang malaking bahagi para sa industrial development. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: PEZA