DILG, hinimok ang mga local fire volunteer na maging BIDA Volunteers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang mahigit 300,000 local fire volunteer sa buong bansa na maging BIDA Ambassadors para sa health and safety sa kanilang komunidad.

Ang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” o BIDA ay pangunahing programa ng DILG para mabawasan ang demand sa droga.

Ginawa ni Abalos ang panawagan matapos ilunsad ng DILG at Bureau of Fire Protection ang BIDA Ka Sa Fire Square Roadshow.

Sa ginanap na BIDA Ka sa Fire Square Roadshow, ipinakikita ang kultura ng kaligtasan, seguridad, at kalusugan ng komunidad.

Mahigit 5,000 participants ang dumalo sa aktibidad, kabilang ang mga local chief executive, local disaster risk reduction and management officers, Barangay DRRM Council members, Sangguniang Kabataan officials, at barangay tanods. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us