DILG, magtatatag ng screening committee para sa 8 mababakanteng puwesto sa pagka-konsehal sa bayan ng Bamban sa Tarlac

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi mababalam ang operasyon ng Pamahalaang Bayan ng Bamban sa Lalawigan ng Tarlac.

Ito ay ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos ay kasunod ng pag-upo bilang Acting Mayor ni Erano Timbang matapos sibakin ng Ombudsman si Alice Guo.

Ayon sa kalihim matapos ang tatlong buwang suspensyon sa kasalukuyang Vice Mayor na si Leonardo Asuncion at walong konsehal ng bayan matapos masangkot sa isyu ng POGO hub sa naturang bayan.

Dahil dito, ipinag-utos ni Abalos ang pagbuo ng isang screening committee para naman mapunan ang walong nabakanteng posisyon sa pagka-Konsehal para pansamantalang manungkulan sa loob ng tatlong buwan.

Salig ito aniya sa inilabas na Memorandum Circular 2019-21.

Dagdag pa ni Abalos, tatlo sa mga Konsehal ay may partido politikal kaya’t ito ang pipili ng hahalili sa mga ito habang ang lima ay walang partido kaya’t ang DILG na ang pipili rito.

Pangungunahan ni DILG USec. Marlo Erija ang bubuuing selection committee kasama ang tatlo na magmumula sa Civil Society Group at isa mula sa Philippine Councilors League Provincial level. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us