Umapela si DILG Secretary Benhur Abalos Jr. sa Magnificent 7 na gawing maayos at hindi makakasagabal sa daloy ng trapiko ang kanilang kilos protesta bukas, Hulyo 5.
Pahayag ito ni Abalos sa banta ng grupo na magmamartsa mula sa Quezon City hanggang Mendiola sa Maynila para igiit ang pagpapatuloy ng PUV Modernizarion Program ng pamahalaan.
Sinabi ni Abalos,na kanyang iginagalang ang saloobin ng transport groups dahil karapatan nila ito pero kailangang tiyakin lamang nila na maging mapayapa, walang gulo at walang panghaharang na gagawin sa daan habang isinasagawa ang kilos protesta.
Umalma ang transport groups ng isulong ni Senate President Chiz Escudero sa Senado ang pagsuspinde sa PUV Modernization Program.
Para sa kanila, hindi ito katanggap-tanggap dahil matagal na panahon nang pinag-aralan ito bago ipinatupad ng ilang nakalipas na administrasyon. | ulat ni Rey Ferrer