Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mananatili ang diplomasya bilang approach ng Pilipinas sa pinakabagong aksyon ng China sa Bajo de Masinloc.
Kasunod ito ng aniya’y iligal at hindi makatwirang akto ng People’s Liberation Army – Air Force sa nasabing teritoryo ng bansa lalo na’t nagsasagawa ng routine maritime security operation ang aircraft ng Philippine Airforce.
Ayon sa Pangulo, magpapatuloy ang commitment ng bansa na maresolba ang usapin sa mapayapang pamamaraan.
Kaugnay nito’y hinikayat din ng Pangulo sa kabilang banda, ang China na maging responsable sa mga aksyon nito.
Nakababahala, sabi ng Pangulo, na kakaumpisa pa lang na nagkaroon ng pagkalma sa katubigang nasa hurisdiksiyon ng Pilipinas, subalit nangyari naman ang insidente sa ating airspace. | ulat ni Alvin Baltazar