Pinuri ng Presidential Anti-Organized Crime Commission ang dismissal order ng Ombudsman laban kay Mayor Alice Guo kaugnay ng isyu sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Sa opisyal na pahayag ng PAOCC, kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, tinukoy ang desisyon ng Ombudsman na tanggalin sa serbisyo ang dating alkalde ng Bamban, Tarlac bilang buhay na testamento ng pagsisikap ng mga lumalaban sa iligal na operasyon ng mga POGO.
Ipinaabot ni PAOCC Executive Director Gilbert Cruz ang pasasalamat kay Ombudsman Samuel Martires na tumindig sa panig ng mamamayang Pilipino.
Ayon kay Usec. Cruz, ang development na ito ay patunay na epektibo at gumagana ang criminal justice system sa bansa. | ulat ni Leo Sarne