Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na sapat ang 173 days ng school year 2024-2025 para maituro ang lahat ng aralin na kilangan ng mga estudyante.
Matatandaang binuksan ang school year 2024-2025 nitong Hulyo at target itong isara sa april ng susunod na taon para maibalik na ang dating school calendar kung saan ibabalik na rin ang summer vacation.
Sa naging pagdinig ng Senate Committee on Basic Education, ipinahayag ni committee chairman Senador Sherwin Gatchalian ang pangamba na baka masyadong masikip ang ang itinakda ngayong school days at wala nang magiging espasyo para sa class suspension sakaling may dumating na bagyo o kalamidad.
Ipinaliwanag naman ng DepEd na hindi na sila magpapatupad ng class suspension at sakali mang may bagyo o kalamidad ay ipapatupad ang distance learning sa bawat paaralan sa halip na face-to-face classes.
Idinagdag pa ng ahensya na target nilang magkaroon ang bawat isang estudyante ng self-learning modules na maaari nilang iuwi at gamitin kapag hindi posible ang face-to-face classes.
Pinatitiyak naman nina Gatchalian at Senadora Nancy Binay sa DepEd na maayos at epektibong mapapatupad distance learning mode. | ulat ni Nimfa Asuncion