Dalawampu’t tatlong overseas Filipino workers (OFWs) mula sa CALABARZON ang pinagkalooban ng livelihood grants ng Department of Migrant Workers (DMW).
Ang pamamahagi ng tulong pinansyal ay isinagawa sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Lipa City, Batangas kahapon.
Ayon kay DMW Assistant Secretary Venecio Legaspi, 18 OFW beneficiaries ay binigyan ng tig ₱10,000 financial assistance sa ilalim ng Livelihood Program for OFW Reintegration (LPOR) at Balik Pinay Balik Hanapbuhay (BPBH).
Habang 5 iba pang OFW-beneficiaries ay pinagkalooban ng tig-₱30,000 sa ilalim ng DMW Aksyon Fund.
Ang Livelihood Program for OFW Reintegration at Balik Pinay Balik Hanapbuhay ay mga flagship program ng DMW na sumusuporta sa kabuhayan at pagnenegosyo ng mga OFW at kanilang mga pamilya. | ulat ni Rey Ferrer