Nakalatag na ang Crisis Management Plan ng gobyerno sa sandaling lumala pa ang tensyon sa Lebanon.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, may koordinasyon ang ahensya sa Department of Foreign Affairs (DFA), para sa mga paghahanda.
Partikular ang mga pangangailangang dalhin sa evacuation centers ang mga Pilipino sa Lebanon hanggang sa pagpapauwi sa bansa.
Sa ngayon, patuloy ang panawagan ng ahensya sa mga Pilipino na mag-avail ng voluntary repatriation hanggang bukas pa ang mga paliparan para masiguro ang kani-kanilang kaligtasan.
Sa datos ng DMW, nasa 300 Pilipino na ang na-repatriate mula Lebanon kabilang ang 13 OFW kahapon.
Bukod dito, may 45 iba pa na inaasahang dadating sa bansa sa susunod na linggo.| ulat ni Rey Ferrer