DND, nakiisa sa pagdiriwang ng National Heroes Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ng Department of National Defense (DND) ang lahat ng Pilipinong nagsakripisyo para sa ating bansa sa kanilang walang kapantay na dedikasyon at pagmamahal sa bayan.

Ito ang mensahe ni DND Secretary Gilbert Teodoro sa pagdiriwang ng National Heroe’s Day ngayong araw.

Ayon kay Sec. Teodoro, mula ito sa mga bayani ng nakaraan hanggang sa mga makabagong bayani sa kasalukuyan na patuloy na naglilingkod at nagtatanggol sa ating bansa.

Sinabi ni Teodoro na ang kanilang pambihirang tapang ay dapat magsilbing inspirasyon sa lahat ng Pilipino para sa isang bansa na malaya at masagana. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us