Humingi ng “insights” ang Department of Labor and Employment sa pamamagitan ng Bureau of Local Government (BLGF) mula sa mga stakeholders at private sector para sa pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) RA 12001 o Real Property Valuation and Assesment Refrm Act (RPVARA).
Ito ay upang matiyak na ang IRR ng batas ay highly inclusive at tutugon sa lahat ng issues at kondisyon ng sector.
Ang RPVARA ay nilagdaan bilang batas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nuong June 13, 2024 upang magtatag ng isang makatarungan, pantay at mahusay na sistema ng pagpapahalaga sa real property sa Pilipinas at nagbibigay ng kapangyarihan sa mga local government units na maging “financially self-sufficient”.
Layon ng bagong batas na bumuo ng isang sistema ng na magpapahalaga ng mga real properties alinsunod sa international standards na magagamit sa local at national taxation at iba pa.
Target din ng RPVARA na iprofessionalize ang mga assesors at ihiwalay sila sa technical aspect ng valuation process sa political aspect ng taxation. | ulat ni Melany Reyes