Tiniyak ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto sa Federation of Filipino- Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc (FFCCCI) na nananating bukas ang Marcos Jr. administration sa pribadong sector sa hangaring isulong ang ekonomiya ng bansa.
Ginawa ni Recto ang pahayag, kasunod ng kanyang pulong sa ilang opisyales at miyembro ng FFCCCI.
Sa naturang meeting, natalakay ng mga ito ang mga programa at “advocacies” ng FFCCCI at posibleng kolaborasyon sa pagitan ng DOF partikular sa sector ng kalakalan.
Inihayag din ni FFCCCI President Cecilio Pedro ang naisin ng grupo na maging bahagi sa mga isinasagawang reporma ng gobyerno at inisyatiba para paghusayin ang “ease of doing business.”
Siniguro naman ng kalihim na handa ang gobyerno na makinig bilang kanilang ka-partner.
Ang Chamber ay umbrella organization ng mga Filipino-Chinese entrepreneurs na binubuo ng 170 business and trade associations sa buong bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes
📸: DOF