Tiniyak ng Department of Health na walang dapat ikabahala ang publiko kaugnay sa kumakalat na sakit na Mpox o Monkeypox.
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, nagagamot ang Mpox at malayo sa pinangangambahan na COVID-19.
Hindi rin daw dapat limitahan ang kilos ng publiko tulad ng mga community quarantine, paghihigpit sa mga boarders, pagsusuot ng face mask, at iba pa.
Pero dapat din naman daw mag-self isolate ang sinumang magkakaroon ng sintomas ng Mpox.
Una dito, idineklara ng World Health Organization bilang public health emergency ang Mpox matapos ang paglaganap nito sa Africa at pagkamatay ng maraming indibidwal. | ulat ni Mike Rogas