Ikinasa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang anim na araw na paralegal training patungkol sa labor rights and remedies na nilahukan ng iba’t ibang grupo at mga organsiasyon.
Sa training, kasama ng DOLE ang Workers and Employees Program (WEP) ng University of the Philippines College of Law kung saan tinalakay nito ang mahahalagang paksa tulad ng mga karapatan ng mga manggagawa, pagkakapantay-pantay ng kasarian, harassment sa lugar ng trabaho, at collective bargaining.
Ang mga kalahok ay sumali rin sa mga open forum at case studies, kung saan natuto sila mula sa mga mediator-arbiter ng DOLE at mga eksperto sa batas.
Binigyang-diin naman ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa kanyang talumpati ang kahalagahan ng training na ito sa pagpapalakas ng proteksyon sa mga karapatan ng mga manggagawa sa buong bansa, lalo na sa mga rehiyong nakakaranas ng harassment at paglabag sa mga karapatan sa pag-oorganisa.| ulat ni EJ Lazaro