Iprinisinta ng Department of Labor and Employment ang kanilang panukalang budget para sa taong 2025 na nagkakahalaga ng 45.28 billion pesos.
Mas mababa ito sa kanilang budget sa ilalim ng National Expenditure Program para ngayong taon.
Sa budget presentation ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, sinabi nito na ang kanilang proposed budget ay naka-angkla sa mga hangarin ng “Bagong Pilipinas” ng administrasyong Marcos.
Aniya, layon nitong makamit ang social at economic transformation for inclusive growth.
Alinsunod din ito sa labor and employment plan 2023-2028 at trabaho sa bayan act na layong makapagbigay ng de kalidad at disenteng trabaho na kayang makipag sabayan globally.
Ipinagmalaki rin ng kalihim ang mataas na labor force survey na naitala kamakailan kung saan may pagtaas ng employment rate. | ulat ni Melany Reyes