Planong iparanas ng pamunuan ng Department of Tourism sa mga Pilipinong nasa malalayong lugar at isla ang mga oportunidad na bunga ng magandang lagay ng sektor ng turismo sa bansa.
Ayon kay DOT Sec. Christina Frasco, para maipagpatuloy ang pumapambulog na tagumpay ng sektor ng turismo sa bansa ay plano nilang palakasin pa ang pag-susulong sa opportunity markets gayundin ang mas maigting na kolaborasyon sa mga regional neighbors ng Pilipinas.
Paliwanag ng kalihim na target ng bansa na magkaroon ng 7.7 million international new tourist arrivals ngayong taon, bagamat nilinaw ni Frasco na ang naturang target ay isang “moving target”, dahil maymga kasalukuyan aniyang hinahanrap na problema ang industriya ng turismo kabilang na ang geopolitical issues sa China.
Pero sa kabila aniya nito ay patuloy na gumaganda ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng turismo..
Ayon naman sa datos ng DOT, nitong August 7, 2024, nakapag tala na ang bansa ng kabuuang 3,622,635 inbound visitors, kung saan 92.13 percent, or 3,336,021 ay pawang mga foreigners habang ang natitirang bilang ay mga overseas pinoy.
Nanatili namang South Koreans parin ang mga nangungunang bisita ng Pilipinas, na sinundan ng mga Amerikan, mga Intsik at mga Hapon. | ulat ni Lorenz Tanjoco