DOT, muling siniguro na mapapanatili ang cultural integrity ng Manila Central Post Office sa gitna ng napipintong rehabilitasyon nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi makokompromiso ang cultural integrity ng Manila Central Post Office sa gitna ng napipinto nitong rehabilitasyon at repurposing bilang tourist destination.

Ito ang siniguro ni Tourism Secretary Christina Frasco nang humingi ng update ang Kamara ukol sa estado ng pagsasa-ayos sa nasunog na gusali.

Aniya, sa pamamagitan ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ay nagsasagawa na ng engineering at architectural studies upang makapaglatag ng minimum parameters ng rehabilitasyon salig na rin sa panuntunan ng mga cultural heritage agencies.

Pinaglaanan naman aniya ng ₱15-million ang conservation assessment at pre-restoration work para dito.

Nakikita naman aniya na maisakatuparan ang pagsasa-ayos sa Manila Central Post Office sa pamamagitan ng Private-Public Partnership (PPP).

“What we can expect is the rehabilitation of the Manila Post Office as well as its repurposing to the standards that are set forth by our culture and heritage agencies to ensure that it’s cultural integrity is not compromised, even as it serves the community as a tourism destination,” ani Frasco.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us