Nagsagawa ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng training workshop para sa modernisasyon ng pampublikong transportasyon sa Catanduanes.
Ayon sa DOTr, layon ng pagsasanay na ito na palawakin ang kaalaman at gabayan ang mga lokal na pamahalaan sa pagbuo ng kanilang Local Public Transport Route Plan (LPTRP).
Ito ay mahalagang bahagi ng Public Transportation Modernization Program (PTMP) kung saan pinag-aaralan ang mga ruta base sa pangangailangan ng mga pasahero.
Bukod dito, tinalakay din sa workshop ang mga Stakeholder Support Programs tulad ng Tsuper Iskolar at Entsuperneur Program na maaaring mapakinabangan ng mga driver at operator lalo na sa panahon ng implementasyon ng PTMP.
Nagpasalamat naman ang lokal na pamahalaan ng Catanduanes sa isinagawang workshop at umaasa silang magiging daan ito upang mabuo at matapos ang kanilang mga LPTRP. | ulat ni Diane Lear