Pinagtibay na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsibak sa pwesto kay Director Jaime Bea at Engr. Jose Buban ng Maritime Industry Authority sa Region 5.
May kaugnayan ito sa paglubog ng Motor Tanker Princess Empress noong Pebrero 2023 na nag resulta ng oil spill sa Oriental Mindoro at iba pang lugar.
Sa kanyang sulat kay Marina Administrator Sonia Malaluan, kinumpirma ni DOTR Secretary Jaime Bautista ang findings ng MARINA na guilty ang dalawang opisyal sa kasong grave misconduct, gross neglect of duty at conduct of prejudicial to the best interest of service.
Dahil dito, inatasan ni Secretary Bautista si MARINA Administrator Malaluan na agaran nang ipatupad ang desisyon laban sa dalawang opisyal.| ulat ni Rey Ferrer