DOTr, nanawagan sa mga lokal na pamahalaan na magtulungan para malutas ang issue sa right-of-way ng mga transportation project

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Transportation Secretary Jaime Bautista sa mga Local Government Units (LGUs) na makipagtulungan sa Department of Transportation (DOTr).

Ito ay upang mapabilis ang pagresolba ng mga isyu sa right-of-way na humahadlang sa pagpapatupad ng mga proyekto sa transportasyon.

Sa ginanap na Local Governance Summit, binigyang-diin ni Sec. Bautista ang kahalagahan ng pagtutulungan ng DOTr at LGUs upang masolusyonan ang mga problemang ito na nagpapaantala sa pagtatayo ng mga imprastraktura at pagpapabuti ng sistema ng transportasyon sa bansa.

Bukod sa right-of-way, hinikayat din ni Sec. Bautista ang mga LGU na aprubahan ang kani-kanilang Local Public Transport Route Plan (LPTRP) upang mas mapabilis ang implementasyon ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us