Pinagtibay pa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pakikipagtulungan nito sa Asian Development Bank (ADB) upang bigyang prayoridad at pabilisin ang ilang mahahalagang proyektong pang-imprastruktura dito sa bansa.
Sa isang pulong nitong linggo na pinangunahan ni DPWH Senior Undersecretary Emil Sadain at ADB Country Director Pavit Ramachandran, naging sentro ng diskusyon ang pagpapabilis ng mga pangunahing inisyatiba sa ilalim ng “Build Better More” na agenda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kabilang sa mga tinalakay na proyekto ang Laguna Lakeshore Road Network (LLRN) at Bataan-Cavite Interlink Bridge at iba pa.
Ang mga nasabing mga proyekto ay inaasahang magpapahusay ng connectivity at magpapalago sa ekonomiya ng bansa.
Kapwa nangako naman ang DPWH at ADB na titiyakin nila na ang mga proyektong ito ay naaayon sa pangmatagalang layunin ng bansa at sisikaping maabot ang pinakamataas na pamantayan ng kalidad, kaligtasan, at kahusayan sa mga nabanggit na proyekto. | ulat ni EJ Lazaro