Umapela sa publiko ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa responsableng pagtatapon ng basura.
Partikular dito sa mga estero upang dumaloy ng tama sa karagatan ang tubig-ulan.
Nanindigan si DPWH Secretary Manuel Bonoan na hindi ang mga reclamation works sa Manila Bay ang dahilan ng mga pagbaha sa Metro Manila noong kasagsagan ng Super Typhoon Carina.
Ang poor urban planning aniya ang isa sa mga dahilan lalo na sa mga subdibisyon na naitayo malapit sa pampang ng mga ilog at dagat tulad ng Las Piñas at Cavite.
Sinabi din ni Bonoan na karamihan ng mga subdibisyon lalo na sa Las Piñas, Parañaque at Cavite ay may hindi maayos na drainage systems kaya naman nababarahan kaagad ng makapal na basura.
Sabi din ng mga eksperto na ang tubig na nagmumula sa Upper Marikina River Watershed ang isa pa sa dahilan ng mga pagbaha .
Hindi agad nakadaloy pababa ang tubig ulan dahil sa sobrang volume at mga baradong estero dahil sa hindi mahusay na waste management. | ulat ni Rey Ferrer