Para iwas-baha, sinimulan nang ilatag ng Quezon City local goverment ang isang drainage masterplan para sa mga flood prone areas sa lungsod.
Sa QC Journalist Forum, sinabi ni QC Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) Spokesperson Peachy de Leon na nasa planning stage na sila ngayon sa marterplan kasama ang mga barangay, homeowners association at iba pang stakeholders upang matiyak na mareresolba ang mga problema sa pagbaha sa QC.
Sa ilalim nito, nasa 100 catch basin na singlaki ng basketball court ang target ilagay ng Quezon City government sa ilang barangay na malapit sa creek na laging binabaha kung tag-ulan.
Kabilang dito ang mga Barangay ng Masambong, Bahay Toro, Sto. Cristo, Holy Spirit, Commonwealth, at Loyola.
Paliwanag nito, nasa ₱50-milyon ang halaga ng isang catch basin na popondohan ng gobyerno at LGU.
Nilinaw naman nito na habang hindi pa natatapos ang konstruksyon ng mga catch basin ay nakahanda naman ang lahat ng tanggapan ng lokal na pamahalaan sa pag-rescue at pagtugon sa mga biktima ng kalamidad lalo na ng pagbaha. | ulat ni Merry Ann Bastasa