Driver ng pulang sasakyan, pinaghahanap na matapos masangkot sa hit-and-run sa Taguig – MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaghahanap na ngayon ang isang driver ng pulang sasakyan matapos umanong takasan ang mga sumitang traffic enforcer sa Taguig City.

Sa kuha ng dashcam na pinost ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang Facebook page, makikitang humaharurot sa pagtakas ang driver habang ang MMDA enforcer ay nasa ibabaw ng hood ng sasakyan.

Ang naturang driver ay sangkot umano sa isang banggaan bago takasan ang mag-aassist sanang enforcer.

Nakatakas naman ng tuluyan ang driver ng pulang sasakyan.

Samantala, kaninang umaga ay nagtungo na sa tanggapan ng MMDA ang sangkot na enforcer upang makuha ang kanyang pahayag at malaman ang buong pangyayari.

Nakuha na raw nila ang plate number ng sasakyan at hinahanap na ang driver, at kapag natukoy ang pagkakakilanlan nito ay mahaharap sa patong-patong na mga kasong kriminal.

Bukas ay ihaharap daw ng MMDA ang traffic enforcer at ang rider na nakabanggan ng pulang sasakyan sa isasagawang pulong balitaan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us