Naniniwala rin si DSWD Sec. Rex Gatchalian na kulang ang P21 per meal food threshold.
Kasunod ‘yan ng inilabas na datos na hindi maituturing na ‘poor’ ang isang indibdiwal kung nakakayang gumastos nang hindi bababa sa P64 kada araw para sa pagkain o katumbas ng P21 kada meal.
Kaugnay nito, nilinaw ni Sec. Gatchalian na hindi lang ang food poor indicator ng PSA ang pinagbabatayan ng ahensya sa paghubog ng anti-poverty programs.
Aniya, kasama rin sa basehan nila ang assessment ng mga social worker na bumababa sa mga komunidad at nakikita ang tunay na sitwasyon ng mga mahihirap.
Tiniyak naman ni Sec. Gatchalian na hindi sila tumitigil sa pagpapaigting ng mga hakbang para maibaba pa ang bilang ng mga mahihirap na Pilipino.
Kabilang na rito ang isinusulong na inflation proofing para sa cash grants na natatanggap ng 4Ps beneficiaries, pagpapalawak ng food stamp program at pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.
Ayon sa kalihim, on track pa rin sila sa target na maibaba sa single digit ang poverty rate sa bansa bago matapos ang administrasyong Marcos. | ulat ni Merry Ann Bastasa