Inanunsyo na ni Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang paglalaan ng ₱500 million pondo ng Department of Budget and Management (DBM) para sa planong pagtatayo ng mga regional offices ng ahensya.
Ayon sa Kalihim ang mga regional office ang titingin sa kapakanan ng mga non-state armed groups at mga dating rebelde.
Binanggit ng kalihim ang patuloy na pagpapalawak ng mga programa at serbisyo ng DSWD para sa peace and development, partikular na sa case management ng mga dating rebelde at decommissioned combatants.
Binigyang diin pa ng opisyal ang pagbuo ng ahensya ng “after care case management” upang pangalagaan ang financial grants ng mga rebeldeng nagbalik loob.
Pasisimulan ito sa tatlong regional offices sa Mindanao upang magsagawa ng assessment sa mga pangangailangan at suporta na dapat ibigay sa dating rebelde.
Ang regional offices ay nakahandang magtalaga ng 400 social workers na hahawak sa case management ng mga rebel returnee. | ulat ni Rey Ferrer