DSWD, nakapaghatid na ng higit 33,000 family food packs sa mga apaketado ng oil spill

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umakyat na sa 33,300 Family Food Packs (FFPs) ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development para sa mga naapektuhan ng oil spill sa Bataan at Cavite.

Kasama rito ang mga food packs na nakaposisyon sa mga DSWD Field Offices, na-release, for delivery, at for pick-up ng mga LGUs.

Pinakamalaki ang nailaan sa Trece Martires sa Cavite na aabot na sa 25,000. Nasa 5,000 FFPs naman ang nailaan sa Bataan Provincial Govt habang 3,300 sa bayan ng Limay.

Patuloy naman aniya ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga lokal na pamahalaan upang agarang maihatid ang nararapat na tulong para sa mga apektadong indibidwal. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us