DSWD, namahagi na ng food packs sa mga pamilyang apektado ng oil spill

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpadala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga family food pack sa mga rehiyong apektado na ng oil spill mula sa lumubog na oil tanker na MT Terra Nova sa Limay, Bataan.

Bahagi ito ng relief assistance ng kagawaran para matugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang apektado.

Kaugnay nito, karagdagang 2,800 kahon pa ng Family Food Packs (FFPs) mula sa National Resource Operations Center (NROC) sa Pasay City ang ipinadala ng DSWD para sa mga apektado ng oil spill sa Bacoor, Cavite.

Tuloy tuloy na nakikipagugnayan na rin ang DSWD sa mga LGU para sa assessment sa mga komunidad na apektado ng oil spill.

Una nang sinabi ng DSWD na handa itong maglaan ng pinansyal na tulong sa mga mangingisdang hindi makapalaot dahil sa oil spill.

Maaari aniyang maalalayan ang mga ito sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) o di kaya ay sa programang “Ayuda sa Kapos ang Kita Program na ibinibigay sa low income workers gaya ng mga mangingisda. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us